May 22, 2009

Naubos na mga kaibigan ko



Yung isa pumunta ng Singapore.
Yung isa pumunta ng Dubai.
Yung isa nag lie-low muna.
Yung isa naging weird.
Yung isa, nagkaanak at naging busy na talaga.
Yung iba rin nag kaanak na rin.
Yung isa subsob sa negosyo.
Yung isa nasa Cabanatuan.
Yung isa pumunta ng Singapore [iba rin to]
Yung isa pumasok sa callcenter kaya parang wala na rin dito.
Yung isa nagpakasal na. [pero andito pa rin sha][pero di masama ang magpakasal]
Yung isa nagpunta ng London [nagpakasal at nagkaanak na rin]
Yung iba nakalimutan na rin talaga ako.
Yung isa nakasakay sa Gliner ung isa ko pang kaibigan, nag-text kagabi.
Yung iba lumipat ng Smart, tapos nag Sun, kaya ayun, wala na rin.
Yung iba naiwan sa dati kong trabaho kaya parang wala na rin.
Yung isa Canadian na, kaya di na babalik dito dahil sa trapik.
Yung iba nakalimot na, o di kaya pinilit makalimot.
Yung iba baon sa utang sa middle east kaya di maka-uwi.
Yung iba naman baon din sa utang pero nakaalis na rin.
Yung isa magaling lang pag may kailangan, kaya parang wala rin dito.
Naubos na sila.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home